Senator Drilon, itinanggi na pinakaltasan nya ang budget para sa SEA Games

Mariing pinabulaanan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pinakaltasan niya ang budget para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Tugon ito ni drilon sa pahayag ni kabayan Party lLst Representative Ron Salo na 7.5 billion billion sana ang budget para sa sea games pero pinababa ni drilon sa 5-billion pesos.

Sabi ni Drilon, fake news ang i-kinakalat ni Congressman Salo at dapat ay nag-aaral muna ito bago mag-salita.


Kaugnay nito ay inilabas ni Drilon ang journal ng sesyon ng Senado nung December 6 2018 kung saan tinalakay ng mga Senador ang budget para ngayong 2019 ng Philippine Sports Commission.

Ipinapakita sa journal ang pag-puna ni Drilon kung bakit nasa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 7.5 billion pesos na budget para sa SEA Games kaya ito ay inilipat sa Philippine Sports Commission.

Ayon kay Drilon, nakaltasan at bumaba sa 5-bilyong piso ang budget ng SEA Games pag-dating sa Bicameral Conference Committee pero nadagdagan ito ng 1-bilyong piso mula sa contingency funds kaya naging 6-bilyong piso.

Facebook Comments