Manila, Philippines – Nauunawaan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ginawang pagsipa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dangerous Drugs Board o DDB Chairman Dionisio Santiago.
Ayon kay Drilon, prerogative o karapatan ng Pangulo na alisin nito si Santiago at sinuman sa Gabinete na hindi niya pinagkakatiwalaan pa.
Pinagresign ni Pangulo Duterte si Santiago makaraang sabihin nito na mali at hindi praktikal ang pagtatayo ng Mega Drug Rehabilitation Center sa Nueve Ecija.
Paliwanag ni Drilon, ang pananatili ni Santiago sa pwesto ay nakadepende sa trust and confidence ng Pangulo sa kanya.
Facebook Comments