Manila, Philippines – Plano ni Senator JV Ejercito na isulong na magkaroon muli ng breifing sa mga senador ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines ( AFP), Department of National Defense (DND) at National Security Council (NSC).
Ayon kay Ejercito, layunin ng panibagong briefing na mailatag ng mga security officials kung ano na ang sitwasyon sa Marawi City na nasa ilalim pa rin ng martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para kay Ejercito, malinaw na may invasion at rebellion sa Marawi City na kagagawan ng Maute Terror Group.
Dagdag pa ni Ejercito, mahalaga na magkaroon ng panibagong briefing ang security officials para madetermina ng mga senador kung marapat bang palawigin lagpas sa 60 araw o hindi ang martial law sa buong Mindanao.
DZXL558