Makipagpulong ngayong araw si Senator elect Christopher Bong Go kay DOH Secretary Francisco Duque III kasama ang limang magiging bagong miyembro ng board ng Philhealth.
Layon ng kanyang pakipagpulong ay para makonsulta ang DOH at Philhealth may kaugnayan sa iba’t-ibang legislative measures na isusulong ng kanyang pamumunuang commitee on health sa senado.
Partikular na dito ang pagpapalakas sa Philhealth at maayos na sistema sa paghawak ng pondo ng pamahalaan.
Ayaw na kasing maulit ni Go ang mga nabunyag na ghost payments sa Philhealth.
Nakakaawa aniya ang mga pasyente na nangangailangan ng tulong lalo na sa pagpapagamot at bayarin sa hospital.
Umapela din siya sa mga doktor na nangingibang bansa na bigyan din ng pagkakataon na makapagsilbi sa mga pinoy.
Gayunman hindi naman daw niya masisisi ang mga ito dahil sa laki ng kaibahan ng tinatanggap na sahod doon kumpara dito sa Pilipinas.
Ginawa ni Go ang pahayag matapos bisitahin ang mga nasunugan sa Barangay 73, Caloocan City.