Taas sa pasahe, hindi sapat kung walang kaakibat na fuel subsidy

67

Nagpapasalamat si Senator Joel Villanueva sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Kasunod ito ng pag-apruba sa pisong pansamantalang dagdag sa singil sa pasahe ng mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3, at Region 4 simula kahapon.

Pero giit ni Villanueva, hindi magiging sapat ang pisong dagdag sa pamasahe kung hindi matutumbasan ng mabilis at efficient na pagbigay ng fuel subsidies ng gobyerno para sa transport sector.


Kaugnay nito ay hinihiling naman ni Villanueva sa mga jeepney driver na huwag kaligtaan ang diskwento para sa mga senior citizen, estudyante, at mga kababayan nating may kapansanan.

Facebook Comments