Nagpahayag ng pakikiramay si Senator-elect Raffy Tulfo at kanyang buong pamilya kay Senator Grace Poe sa pagpanaw ng ina nito na si Ms. Susan Roces.
Ayon kay Tulfo, mahal ng mamamayang Pilipino ang aktres at hindi mawawaglit sa alaala, lalo ng mga tagahanga niya, ang hindi nito mabilang na mga pelikula, programang pang-telebisyon, at patalastas.
Kaugnay nito ay hiniling ni Tulfo kay Pangulong Rodrigo Duterte ma ideklarang pambansang araw ng pagluluksa ang araw ng paghahatid sa huling hantungan kay Ms Susan Roces.
Kaisa ni Tulfo sa nabannggit na panawagan kay Pangulong Duterte ang kanyang misis na si ACT-CIS representative Jocelyn Tulfo at ang kanilang anak na si Quezon City Representative-elect Raphael Tulfo.
Binanggit ni Tulfo na kaugnay nito ay plano rin ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn na maghain ng resolusyon na kikilala sa legacy ni Ms susan roces at magsusulong ng nominasyon para ito ay magawaran ng posthumous National Artist honors.
Samantala, sa ngayon ay nakahimlay ang mga labi ng yumaong aktres sa Heritage Memorial Park in Taguig City.