Senator Escudero, kumbinsidong walang nagawang treason o pagtatraydor sa bansa si Senator Trillanes

Manila, Philippines – Sa ngayon ay walang nakikitang dahilan si Senator Chiz Escudero para sampahan ng Department of Justice o DOJ ng kasong treason o pagtatraydor sa bayan si Senator Antonio Trillanes IV.

Kaugnay ito ng pagkikipagpulong ni Trillanes kay US Senator Marco Rubio kung saan kanilang tinalakay ang hinggil sa PH-US alliance, gayundin ang mga isyu ng corruption at human rights situation sa Pilipinas.

Ayon kay Escudero, may kapayarihan ang DOJ, sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Trillanes at kung may makikitang ebidensya ay maaring ituloy ang pagsasampa ng kaukulang kaso dito.


Pero duda si Escudero na papasok ito sa kasong treason.

Yan marahil aniya ang dahilan kung bakit dumistansya na rin ang Malakanyang sa nabanggit na usapin.

Nang hingan naman ng komento ang kasamahan ni Trillanes sa Philippine Military Academy na si Senator Gringo Honason ay sinabi nito na base sa kanilang tradisyon ay hindi nila agad hinuhusgahan ang motibo ng kanilang kasamahan.

Hinikayat din ni Honasan ang lahat na tutukan na lang ang magandang aspeto ng ating bansa at ang pagbibilang ng ating mga blessings, gayundin ang pagpapalakas sa ating pagkakaisa.

Facebook Comments