Senator Escudero, naniniwalang may hurisdiksyon ang Senado para imbestigahan ang mga akusasyon laban kay COMELEC Chairman Bautista

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Francis Chiz Escudero na may hurisdiskyon ang senado na imbestigahan ang isang impeachable official tulad ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.

Sa katunayan, ayon kay Escudero, ilan ng mga impeachable official ang inimbestigahan ng Senado.

Pangunahin aniya dito si dating Vice President Jejomar Binay na ilang buwang inimbestigahan ng senate blue ribbon subcommittee dahil sa mga isyu ng katiwalian.


Ang pahayag ni Sen. Escudero ay tugon sa sinabi ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na dapat munang pag usapan o pagaralang mabuti kung mayroong hurisdiksyon ang senado na dinggin ang mga kontrobersya laban kay bautista na ibinunyag ng kanyang misis.

Paliwanag ni Drilon, sa oras na magdesisyon ang kamara na magsulong ng impeachment complaint laban kay Bautista ay aakyat ito sa Senado na tatayong impeachment court kung saan silang mga senador ay aakto bilang mga judge.

Katwiran naman ni Escudero, maaring imbestigahan ng senado si Bautista hangga’t wala pang impeachment compliant na inihahain laban dito.

Ipinunto pa ni Escudero, na maaaring sa gagawing pagdinig ng Senado ay mapatunayan ng inosente ang isang impeachable official tulad ni Bautista at maaari din namang walang maghain ng impeachment complaint laban dito.

Facebook Comments