Senator Gatchalian, umapela sa palasyo na idepensa ang Benham Rise

Manila, Philippines – Umapela si Committee on Economic Affairs Chariman Senator Win Gatchalian sa Duterte administration na maglatag na ng aksyon para agresibong ma-ipagtanggol ang Benham rise.

 

Ito ay sa harap ng balitang mayroon ng Chinese survey ship ang namamalagi sa lugar ng Benham rise.

 

Ang Benham rise ay 13 milyung ektaryang lupain na nasa ilalim ng karagatan, na may 250 kilometro lamang mula sa dalampasigan ng Aurora province.

 

Ito ay nadiskubre noong 1933 at opisyal na ikinonsiderang sakop ng Pilipinas noong 2012 ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf.

 

Giit ni Gatchalian sa pamahalaan, malaki ang maitutulong ng Benham rise sa ecological at economic prospects ng bansa at dapat matiyak na ang mga pilipino ang makikinabang dito..

 

Iminungkahi pa ni Gatchalian, ang pagbuo ng multi-agency authority na lilikha ng long-term policy framework para mapamahalaan ng tama ang resources mula sa Benham rise.

Facebook Comments