Senator Go, hinamon si VP Leni na tanggapin ang posisyong alok ng Pangulo para sugpuin ang ilegal na droga

Hinamon ni Senator Bong Go si Vice President Leni Robredo na tanggapin ang ibinigay na posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chair ng Inter Agency Body laban sa ilegal na droga hanggang sa pagtatapos ng termino nito sa June 30, 2022.

 

Sabi ni Go, daan ito para malaman ni Robredo kung gaano kahirap ang kampanya laban sa ilegal na droga kung saan baka hindi na ito makatulog pa.

 

Ayon kay GO, palaging sinasabi ni Robredo na failure o palpak ang war on drugs ng Administrasyong Duterte kaya ngayon na ang pagkakataon para sila naman ang kumilos.


 

Paliwanag ni Go, may kanya kanyang istilo ng pagresolba sa ilegal na droga kaya baka may panibagong estilo si Robredo kaakibat ang hamon na patayin nito ang lahat ng mga drug lords.

 

Binigyang diin naman ni Go na hangad niyang magtagumpay si Robredo kaakibat ang paalala na unahin nito ang intres ng mga Pilipino para masugpo ang iligal na droga.

 

Pagmamalaki ni Go, 82 percent ng mga Pilipino ang sumasag-ayon sa drug war at baka mapataas pa ito ni VP Leni sa 90 percent.

Facebook Comments