Senator Gordon, muling binatikos si Pangulong Duterte sa pagpapatuloy ng Senate hearing ukol sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies

Sinungaling, kapatid ng magnanakaw kaya nalustay ang pera ng taumbayan, huwad na nagpapanggap na isang bayani at binola lang ang mga tao.

Ilan lamang yan sa mabibigat na batikos ni Senator Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng ika-16 na pagdinig ng pinamumunuang Blue Ribbon Committee ukol sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.

Diin pa ni Gordon, nakakaawa na si Pangulong Duterte, dahil nakikita ngayon na hindi umano talaga ito dapat maging Pangulo ng Pilipinas.


Sabi ni Gordon, hindi na rin dapat humingi muli ng boto si Pangulong Duterte sa darating na eleksyon dahil hindi naman nito natupad ang mga ipinangako noong kampanya.

Hamon pa ni Gordon kay Pangulong Duterte, ilutang sina dating presidential adviser Michael Yang at dating Procurement Service of the Department of Budget and Management Lloyd Christopher Lao.

Facebook Comments