Senator Gordon, tiwalang hindi matutupad ni P-Duterte ang pangakong pagpardon sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa

Manila, Philippines – Para kay Senator Richard Gordon,buladas at macho talk lang ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte napagkakalooban ng pardon ang mga kasapi Ng Criminal Investigation and DetectionGroup o CIDG region 8 sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Mayor RolandoEspinosa.

 
Naniniwala si Gordon, na sinasabi lang ito ng pangulopara ipakitang sa mga pulis na susuportahan niya at hindi niya iiwan sa ere angmga ito dahil sa pagtupad sa kaniyang mga utos.

 
Pero nakatitiyak si Gordon na hindi kukunsitihin ngpangulo kapag napatunayan sa korte ang pagkakasala ng mga nabanggit na mgapulis na pinangugunahan ni Supt. Marvin Marcos. 


 
Din pa ni Sen. Gordon, alam ni President Duterte na hindisiya above the law, at hindi siya pwedeng makialam sa kaso.

 
Patunay aniya nito ang pagsasampa ng Dept. of Justice ngkasong murder laban sa grupo ni PSupt. Marcos, at ang inaasahang pagpapataw samga ito ng disciplinary action ng Philippine National Police.

                  

Idinagdag pa ni Gordon na malabo ding mabigyan ng pardonang grupo ni Marcos dahil malamang tapos na ang termino ni Pangulong Duterte bagopa matapos ang paglilitis sa kanilang kaso.

Facebook Comments