Manila, Philippines – Nanindigan si Senator Richard Gordon na hindi niya kailangang maginhibit sa pagdinig ng Senado sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan na mahigpit niyang tinututulan.
Si Gordon ang chairman ng Committee on Justice and Human Rights na syang dumidinig sa death penalty bill.
Pangako ni Sen Gordon, magiging patas sya sa pagdinig sanaturang panukala.
Dagdag pa ni Sen Gordon, pwede naman niyang italaga ang ibang miyembro ng komite na magdepensa sa death penalty bill pagdating sa plenaryo.
Kahit kabahagi sya ng majority bloc ay binigyang diin ni Gordon na kumpara sa death penalty ay mas epektibong makakaresolba sa kriminalidad ang pagpapabuti sa prison system at mas mahigpit na polisya.
Sabi ni Gordon mas epektibo kapag nakikita na ang masamang tao ay nahihirapan sa bilangguan.
Dagdag pa ni Gordon, dapat ay may malaking publisidad ang mga nakukulong tulad ng pagkakaroon ng website kung saan nakabalandra ang mukha at impormasyon ng mga bilanggo.
Daan aniya ito para magdalawang isip ang iba na gumawa ng krimen dahil sa kahihiyan aabutin pati ng kanilang pamilya.
Senator Gordon, walang planong mag inhibit bilang Chairman ng komite na didinig sa tinututulan niyang death penalty bill
Facebook Comments