Susunod na DENR Secretary, mahigpit na babantayan ng LP senators

73

Manila, Philippines – Tiniyak ng Liberal Party o LP senators na mahigpit nilang babantayan ang susunod na itatalagang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Giit ni Pangilinan, ang susunod na DENR secretary ay hindi lamang dalag kwalipikado sa naturang posisyon.

Higit sa lahat, ayon kay Pangilinan, dapat ay may puso ito para para sa kalikasan.

Katulad aniya ni Secretary Gina Lopez na hindi pinalusot ng Commission on Appointments dapat ang susunod na mamumuno sa DENR ay adhikain at adbokasiya para sa proteksyon, pagpapaunlad at makatarungang paggamit ng likas na yaman para sa pakinabang ng lahat ng Pilipino.

Ayon kay Pangilinan, ang kalihim ng DENR ay dapat maging katuwang ng mga Pilipino sa pagharap sa mga pagsubok dulot ng climate change at pagkasira ng kalikasan.

DZXL558

Facebook Comments