MANILA – Tinutulan ni Sen. Grace Poe ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF).Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na interesado siyang buksan muli ang pagsisiyasat para malaman kung saan napunta ang $5 million na patong sa ulo ng malaysian bomb expert Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.Ayon kay Poe, naniniwala siyang hindi na kailangan pang buksan muli ang imbestigasyon para lamang sa usapin ng reward money.Kaya naman aniyang silipin ng Chief Executive sa intelligence information ng pulisya ang mga mahahalagang detalye, pati na ang pagkuha noon sa bahagi ng daliri ng napatay na terorista.Una nang sinabi ng senadora na nagkaroon ng kapabayaan ang ilang opisyal ng pulisya sa ginawang operasyon, habang pinuna rin nito ang pakikipag-ugnayan ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa noon ay suspendidong si dating PNP Chief Alan Purisima.
Senator Grace Poe, Tinutulan Ang Muling Pagbubukas Ng Imbestigasyon Sa Mamasapano Incident
Facebook Comments