Senator Honasan, tumangging maghain ng not guilty plea sa 2 counts of graft na kinakaharap nito

Manila, Philippines – Tumangging maghain ng not guilty plea sa kanyang arraignment ngayong araw si Senator Gringo Honasan kaugnay sa 2 counts of graft na kinakaharap nito.

Nag-ugat ang mga kaso sa hindi tamang paggamit ng P29.1 Million na PDAF nito noong 2012 kung saan ibinigay ito sa mga kwestyunableng NGOs para sa proyekto sa mga Muslim sa Metro Manila at Zambales na nasa ilalim ng National Council on Muslim Filipinos.

Dahil dito, otomatikong ang korte na ang maghahain ng “not guilty plea” para sa senador.


Bago ito, ipinipilit pa ng abogado ni Honasan na si Atty. Dennis Manalo na ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanyang kliyente.

Naghain ang mga ito ng omnibus motion na humihiling na ibasura ang warrant of arrest sa senador, judicial determination of probable cause ng prosekusyon at ang deferment ng arraignment.

Sa kabila nito ay ibinasura pa rin ng korte ang omnibus motion na inihain ng kampo ni Honasan.

Tumanggi naman ang Senador at ang abogado nito na magbigay ng anumang pahayag sa media.

Facebook Comments