Senator Hontiveros, payag na pansamantalang palayain si Pharmally Executive Lincoln Ong

Payag si Senator Risa Hontiveros na pansamantalang palayain si Pharmally Pharmaceutical Corporations Lincoln Ong na ipinakulong ng Senate Blue Ribbon Committee sa Pasay City Jail.

Tugon ito ni Hontiveros sa hiling ng misis ni Ong na makalaya ang kanyang mister para sa anak nilang dinapuan ng sakit na dengue.

Ayon kay Hontiveros, bilang kapwa babae at ina, ay nauunawaan niya ang damdamin ng misis ni Lincolnn Ong.


Sa kabila nito ay nais namang ipaintindi ni Hontiveros kay Mrs. Ong na trabaho ng Senado na kilatisin kung paano ginastos ng gobyerno ang bilyun-bilyong pera ng taumbayan bukod sa wala itong dapat ikatakot kung inosente ang asawa niya.

Sabi naman ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, ikokonsulta niya sa mga miyembro ng komite ang magiging aksyon nila sa hiling ng misis ni Ong.

Si Ong, kasama ang isa pang opsiyal ng pharmally na si Mohit Dargani ay pinaaresto at pinakulong ng Senado dahil sa hindi nila pakikipagtulungan sa imbestigasyon ukol sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies.

Facebook Comments