Manila, Philippines – Sinampahan na ng reklamo si Senator Riza Hontiveros sa Office of the Ombudsman nila dating Negros Oriental Rep. Jing Paras at VACC, sa pangunguna ni Eligio Mallari.
Mahaharap sa criminal charges ng kidnapping, obstruction of justice, at wiretapping ang Senadora.
Naging basehan ng mga isinampang reklamo ang pagkuha ng kustodiya ni Hontiveros sa mga testigo sa pagpatay sa Grade 11 student na si Kian delos Santos.
Pinagbatayan din ng kaso ang pagpapakita ni Hontiveros ng larawan ng palitan ng mensahe sa cellphone nila Paras at Justice Secretary Vitaliano Aguirre habang nasa imbestigasyon sa Senado.
Giit ni Paras, ang pagsasampa ng kaso laban kay Hontiveros ay kasunod na rin ng hamon ng senadora na sampahan siya ng reklamo.
Facebook Comments