Ikinababahala ni Senator Imee Marcos na posibleng mauwi sa dayaan kung sakaling isagawa ng tatlong araw ang eleksyon sa 2022.
Ayon sa Senadora, maaaring mauwi ito sa manipulasyon ng resulta ng mga boto lalo na’t hindi lamang isang araw isasagawa ang halalan.
Una nang inihayag ng Commision on Elections (COMELEC) na sinisilip nila ang posibilidad na isagawa ang eleksiyon sa loob nang dalawa o tatlong araw para malimitahan ang bilang ng mga botanteng magtutungo sa bawat presinto.
Samantala, isang panukala na layong payagan ang mga senior citizen na bumoto sa pamamagitan ng mail mula sa kanilang mga tahanan ang inihain ni Marikina City Representative Stella Quimbo para maiwasan ang panganib na dulot ng COVID-19.
Facebook Comments