Pabor si Senator Imee Marcos sa itinutulak ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at National Economic Development Authority (NEDA) na pag-arangkada ng face-to-face sa mga lugar na mabagal ang paglaganap ng COVID-19.
Ayon kay Marcos, bagama’t nakakabahala ay kailangan na itong isagawa dahil mawawalan na ng interes sa pag-aaral, ambisyon at pagiging positibo ang mga mag-aaral.
Maituturing namang ‘new normal’ ang malaking hamon partikular ang tamang pagsusuot ng mga face mask sa lahat ng oras, pagpapanatili ng distansya ng mga guro kapag nagtuturo ng bagong leksyon.
Sa ngayon, batay sa taya ng World Bank ang pagsasara ng mga eskwelahan na tumagal ng limang buwan ay magreresulta sa pagkawala ng 0.6 na taon ng pag-aaral.