Nagkakahalaga ng kabuuang P20 milyon ang naturang proyekto na matatagpuan sa San Fabian at San Jacinto. Sa San Fabian, binuksan ang bagong FMR sa Brgy. Lipit-Tomeeng, na magpapabilis ng transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka at magpapalakas ng lokal na kalakalan.
Sa bayan naman ng San Jacinto, Isinagawa ang pagsasaayos at pagpapahusay ng FMR sa Sitio Moling, Brgy. Bolo, na magbibigay ng mas maayos na daan para sa mga magsasaka. Kasabay nito, nakipag dayalogo rin si Senadora Marcos sa mga mangingisda ng San Fabian upang mapalakas ang industriya ng pangingisda sa lugar.
Bukod dito, pinangunahan din ng senador ang pamamahagi ng tseke sa ilang kooperatiba sa lalawigan. Nakipagpulong din ang senador sa isang electric company provider noong Ika labing anim ng Pebrero sa Alaminos City, upang talakayin ang ilang issue sa enerhiya.
Nakipag pulong din ito sa mga Barangay Health Workers, Barangay Staff, at iba’t-ibang alkalde sa probinsya. Kahapon, Ika labing siyam ng Pebrero, personal naman na nakipag-usap ang senador sa mga magsasaka ng sibuyas sa Bayambang upang alamin hianing at malaman ang posibleng solusyon sa Pagpapalago ng kanilang ani.
Magpapatuloy ang direktang pakikipag ugnayan ng Senador sa ibat – ibang sektor sa probinsiya bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









