Naghain na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ng Certificate of Candidacy (COC) para sa vice presidential race sa halalan sa 2022.
Personal siyang sinamahan ng kanyang running mate na si Vice President Leni Robredo na una nang naghain ng kandidatura sa pagkapangulo kahapon bilang independent candidate.
Habang si Pangilinan ay tatakbo sa ilalim ng Liberal Party.
Ang Robredo-Pangilinan tandem ang natatanging oposisyon sa 2022 elections.
Habang tumanggi ang mga tambalang Lacson-Sotto, Moreno-Ong tt Pacquiao-Atienza na tukuyin silang pambato ng administrasyon o ng oposisyon.
Binigyan naman ng 24 na oras si presidential aspirant Bongbong Marcos para makapili ng kanyang magiging running mate.
Facebook Comments