Manila, Philippines – Sa mga media interviews ay nagpalitan ng pasaring sina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at Senator Panfilo Ping Lacson.
Ito ay makaraang palagan ni Faeldon ang napipintong pagsasampa ni Lacson ng mga kasong katiwalian at economic sabotage laban sa kaniya anumang araw ngayong linggo na may kinalaman sa mga anomalya sa Bureau of Customs.
Giit ni Faeldon, obsessed si Lacson na siya ay sirain.
Bilang sagot, sinabi naman ni Senator Lacson na totoong obsessed siya na patulan ang hamon ni Faeldon na patunayang sangkot ito sa korapsyon sa BOC.
Sabi pa ni Lacson, ipokrito at mayabang si Faeldon dahil involved na nga ito sa korapsyon, ay ito pa ang matapang na naghahamon.
Facebook Comments