Senator Lacson, humihingi ng paglilinaw ukol sa health protocols

Sa kanyang Twitter account, ay humihingi si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng paglilinaw kaugnay sa umiiral na health protocols laban sa COVID-19.

Naiinis si Lacson dahil negatibo naman siya sa COVID-19 test pero walong araw pa siyang pinagku-quarantine ng Senate Medical Team.

Binanggit ni Lacson na fully vaccinated rin siya ng Moderna at umabot ng 2,500 ang antibody test nya noong nakaraang linggo.


Pero binawalan pa rin siyang pumasok sa Senate building kaya hindi siya nakadalo physically sa plenary session kahapon.

Ayon kay Lacson, noong Martes ng nakaraang linggo pa sya nagkaroon ng exposure sa isa niyang staff na nagpositibo sa COVID-19.

Pakiramdam daw tuloy niya ay para siyang kadete na walang pribilehiyo na mag-escort ng babaeng bisita at bawal manood ng sine kapag weekend.

Facebook Comments