VOTER’S REGISTRATION NG DAGUPAN CITY, SUSUSPENDIHIN SAKALING SUMAILALIM SA ECQ O MECQ ANG LUNGSOD

Sususpendihin ang voter’s registration sa lungsod ng Dagupan sakaling isailalim ito ng Local IATF sa ECQ o MECQ ayon sa Commission on Elections.

Ayon sa ahensya, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod mahigpit nilang ipinatutupad ang minimum public health standard gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Regular ding isinasagawa sa hapon ang disinfection sa kanilang opisina maging sa registration area para sa kaligtasan ng mga empleyado ng COMELEC.


Aniya regular din ang pagmomonitor ng mga naitatalang kaso sa mga barangay kung kaya bang ipagpatuloy dito ang satellite registration.

Kahit pa MECQ o ECQ, walang extension na ibibigay para sa voter’s registration na hanggang ika-30 ng Setyembre.

Ipinaalala ng tanggapan na huwag ng hintayin pa ang huling ng araw ng pagpaparehistro upang maiwasan ang abala maging ang kumpulan ng tao na maaaring pagmulan ng pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments