Senator Lacson, iginiit na isailalim sa training at orientation ang mga gun owner na papakilusin laban sa terorismo

Manila, Philippines – Sinang-ayunan ni Committee on Public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang pagnanais ni PNP chief General Ronald Bato Dela Rosa na patulungin na rin sa paglaban sa terorismo ang mga gun owners o gun holders.

Ayon kay Lacson, isa ito sa maaring maging silbi sa gobyerno ng mga indibidwal na binigayan ng prebelihiyo na magkaroon ng baril.

Ipinunto din ni Lacson na ang terorismo ay laban hindi lang ng Pambansang Pulisya kundi ng lahat na nagmamahal din sa kaayusan at proteksyon ng mamamayan.


Kaugnay nito ay iginiit ni Lacson na isailalim sa quick basic crash course ang mga gun owners para malaman nila kung paano ma-detect o matukoy ang banta ng terorismo.

Ayon kay Lacson, ang nabanggit na mga pagsasanay ay maaring ipaloob na agad sa safety seminar na requirement sa pagkuha ng permit at iba pang dokumento para mapahintulutan silang magmay-ari ng baril.

Facebook Comments