Senatorial slate ng PDP Laban, hindi pa pinal

Manila, Philippines – Pagpapasyahan pa at isasapinal pa ng lahat ng kasapi ng PDP Laban ang magiging pambato nito sa darating na 2019 Senatorial elections.

Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel na siya ring pangulo ng PDP-Laban.

Ang paglilinaw ni Pimentel ay makaraang ihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kasama sa senatorial slate ng paritdo sina Presidential Spokesman Harry Roque at Communications Assistant Secretary Mocha Uson.


Sabi ni Pimentel, maliban sa lahat ng miyembro ng partido, ay kasama din si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdesisyon sa kanilang final slate na iaanunsyo nila isa o dalawang buwan bago ang pagsusumite ng certificate of candidacy.

Aminado rin si Pimentel na malakas ang backer nina Roque at Uson.

Dagdag pa ni Pimentel, ang mahalaga sa kanilang mga magiging pambato sa senatorial elections ay ang kakayahan na dalahin sa Mataas na Kapulungan ang ideolohiya ng partido tulad ng pagsusulong ng Federalism.

Facebook Comments