Senator Lacson, iginiit na labag sa batas ang wiretapping at pag-iingat ng impormasyon mula dito

Hindi pumasa kay Senator Panfilo Ping Lacson ang katwiran ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pasado sa ating gobyerno.

Ang Wiretapped Information na nagmula sa isang bansang na nagpapahintulot sa nabanggit na aktibidad.

 

Kaugnay ito sa narco list na ayon sa malakanyang ay base sa wiretapping na isinagawa ng ibang mga bansa.


 

Diin ni Lacson, malinaw sa itinatakda ng Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law, na labag sa batas at may katapat na mabigat na parusa ang magwa-wiretap ng mga pribabong pag-uusap kung ito ay walang permiso.

 

Paliwanag pa ni Lacson, ang naturang Wiretapped Information ay salungat din sa pangunahing obligasyon ng estado na protektahan ang mga Pilipino laban sa pang-aabuso at banta.

 

Giit pa ni Lacson, maging ang pag-iingat ng mga impormasyon na nakuha sa pamamagitan ng wiretapping ay isa ding krimen.

Facebook Comments