Senator Lacson, may mungkahing solusyon sa Chinese vessels sa WPS

Iminungkahi ni Committee on National Defense and Security Chairman Senator Panfilo “Ping” Lacson ang paggamit ng parliamentary-to-parliamentary channels o pag-uusap ng mga Kongreso ng mga bansang magkakaalyado.

Suhestiyon ito ni Lacson sa harap ng muling pagkumpulan ng mga Chinese maritime militia vessel sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Base sa report, nasa 287 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa bahagi ng 200-nautical mile na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, kabilang na ang nasasakupan ng bayan ng Kalayaan sa Palawan.


Ayon kay Lacson, pwedeng subukan ang parliamentary-to-parliamentary channels sa pagitan ng mga bansang kaalyado ng Pilipinas.

Paliwanag ni Lacson, daan ito para matiyak ang balance of power sa rehiyon at upang matigil ang ginagawa ng China dahil marami namang nagpapakita ng kahandaan na tayo ay tulungan.

Bukod dito ay una ring nanawagan si Lacson ng pagkakaisa at pagkakaroon ng isang solidong paninindigan lamang ng mga lider ng ating bansa kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments