Senator Lacson, napamura dahil sa reinstatement sa grupo ni Supt. Marcos

Manila, Philippines – Isang malutong na ‘PI’ o pagmumura ang naging reaksyon ni Senator Panfilo Ping Lacson kasunod ng pagpapabalik sa serbisyo kay Supt. Marvin Marcos at sa kanyang mga kasamahang pulis.

Si Marcos at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 ay pawang sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial Jail.

Ayon kay Lacson, hindi pa nga matatawag na reinstatement ang nangyari ngayon sa grupo ni Marcos dahil lumalabas na back-to-duty status lamang ang mga ito.


Para kay Lacson, maituturing na ‘slap on the wrist’ o parang pagtapik lamang ang 4-na buwang suspension na ipinataw kina Marcos ng PNP-Internal Affairs Service.

Tinukoy ni Lacson ang desisyon ng PNP-IAS, na nasa labas umano si Marcos at hindi umano physically present nang maganap ang pagpatay kay Mayor Espinosa sa loob ng Baybay Sub Provincial Jail.

Magugunitang sa committee report na inilabas ni Lacson bilang chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay nakasaad na pinagplanuhan umano o sinandyang patayin ng grupo ni Marcos si Espinosa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments