Patawarin uli natin si House Committee on Constitutional Amendments chairman Cong Alfredo Garbin Jr. dahil talagang hindi umano nito alam ang sinasabi.
Ito ang reaksyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa sinabi ni Garbin na ang pagtalakay sa pagbabago sa Saligang Batas na kanilang ginagawa ay batay sa Senate Resolution 580 na inihain ni Lacson noong Enero 2018.
Diin ni Lacson, malinaw sa kanyang resolusyon na ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon ay dapat munang dumaan sa pagtalakay ng committee bago aprubahan sa plenaryo at bago pa mag-convene ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly.
Giit ni Lacson, walang nakasaad sa kanyang resolusyon na sa committee level pa lang ay Con-Ass na.
Napuna rin ni Lacson na nag-iba na ang tono ni Garbin dahil sa binanggit ng kongresista na ang kanilang ginagawa noong Miyerkules ay isa umanong exercise of constituent power at hindi Constituent Assembly.