Senator Lacson, sinupalpal ang hiling sa Ethics Committee ni dating Customs Commissioner Faeldon

Manila, Philippines – Hindi maari ang gusto ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ilipat sa Committee of the Whole ang reklamong inihain niya sa Senate Ethics Committee laban kay Senator Panfilo Ping Lacson.

Paliwanag ni Lacson, kino-convert lamang sa Committee of the Whole ang Senado sa pamamagitan ng isang senate resolution o pormal na mosyon sa plenaryo na pagbobotohan pa ng mga senador.

Pasaring ni Lacson, mukhang pati ang trabaho ng mga senador ay gusto ng sakupin ni Faeldon.


Mensahe pa ni Lacson kay Faeldon, marami pa itong kakaining smuggled na bigas bago matuto.

Ang request ni Faeldon ay makaraang magpasya ang Senate Ethics Committee na huwag aksyunan ang inihain niyang reklamo laban kina Lacson at Senador Antonio Trillanes IV hangga’t hindi ito dumadalo sa senate hearing ukol sa mga anomalya sa Bureau of Customs.

Facebook Comments