Senator Lacson, umaasa na magiging full time public servant na si Senator Pacquiao

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Panfilo Ping Lacson na ikokonsidera ni Senator Manny Pacquiao na maging full time public servant.

Sabi ni Lacson, ang kanyang payo ay bilang isang kaibigan at kasamahan ni pacquiao na nagmamalasakit dito at sa kinabukasan nito.

Ayon kay Lacson, nauna na niyang ibinigay ang nasabing payo kay Pacquiao bago nito labanan si Jesse Vargas noong November 2016.


Aminado si Lacson na nasa kamay ni Pacquiao ang desisyon kung ito ay magreretiro na o itutuloy pa ang kanyang boxing career.

Para giit ni Lacson, mas magandang iwanan ni Pacman ang stage habang ang mga audience ay pumapalakpak pa.

“Although it is his decision to call it quits or still go on fighting inside the ring, as a friend and colleague who cares for him and his future, I sincerely think it is time that he consider being a fulltime public servant. It is best to leave the stage while the audience is applauding,” payo ni Lacson kay Pacquiao.

Facebook Comments