Mistulang inabswelto na ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque sa mga naging sablay nito at pananagutan sa nangyaring katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) .
Reaksyon ito ni Lacson sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagkakatiwalaan at nais pa rin niyang manatili sa pwesto si Duque.
Dahil dito ay umaasa si Lacson na ang pagkampi ng Pangulo kay Duque ay hindi makakaapekto sa imbestigasyon sa mga katiwalian sa PhilHealth.
Tiwala si Lacson na mas mananaig ang matibay na pagsunod sa batas ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na siyang mangunguna sa imbestigasyon, kumpara sa partisanship at political o personal considerations.
Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya agad hinuhusgahan ang criminal liability ni Duque pero malinaw na may mga dahilan para magbitiw na ito sa puwesto.