Senator Legarda, kumbinsidong makakamit ang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senator Loren Legarda na makakamit ang inaasam na peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Ayon kay Legarda, ito ay dahil karamihan sa mga hiling ng NDFP ay pwedeng matugunan ng mga umiiral na batas sa bansa at naipaloob na rin sa national budget.

Tinukoy ni Legarda na nakapaloob sa 2017 national budget ang mga programs para sa industiyalisasyon at pagpapa-unlad sa mga kanayunan, at environmental protection na pawang kasama sa social reform agenda ng NDFP.


Bilang chairperson ng Committee on Finance ay tiniyak ni Legarda na sasaklawin ng maipapasang 2018 national budget ang pagsuporta sa nabanggit na peace process.
Nation”

Facebook Comments