Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Loren Legarda na tatapusin niya ang kanyang termino sa Mataas na Kapulungan hanggang 2019.
Ang pahayag ni Legarda ay sa gitna ng mga impormasyon na siya ang planong ipalit kay dating Department of Social Welfare and Development DSWD secretary Judy Taguiwalo na hindi nakalusot sa Commission on Appointments (CA).
Ayon kay Legarda, magpapatuloy ang pagtupad nito sa tungkulin bilang Chairperson ng Finance, Foreign Relations at Climate Change Committees.
Idinagdag pa ni Legarda na magiging abala rin siya sa pagbalangkas ng Partnership and Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union.
Nakatakda ding dumalo si Legarda sa UN Climate Change Conference na gaganapin sa Bonn, Germany sa November 6 hanggang 17.
Sabi naman ni Senate President Koko Pimentel, kailangan nila ang senadora sa Mataas na Kapulungan.