MANILA – Isinasangkot ngayon sina Senator Leila De Lima at Antonio Trillanes sa naganap na riot sa New Bilibid Prison (NBP) noong Septyembre 2016.Sa press conference sa Department of Justice – kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nabanggit ang pangalan ng dalawang senador ngunit walang ebidensyang susuporta dito.Ayon kay Aguirre – dalawang beses naganap ang riot at hindi iisang insidente lamang sa building 14 kung saan napatay ang convicted drug lord na si Tony Co at ikinasugat nina Peter Co, Jaybee Sebastian at Vicente Sy.Inamin din ni Aguirre na banta sa buhay ni Sebastian kaya inilipat ito sa NBI detention facility.Bukod kay Sebastian – ilang high profile inmate din aniya ang humiling sa kanya ng dagdag na proteksyon.Matatandaang isinasangkot si De Lima sa iligal na bentahan ng droga sa NBP.
Senator Leila De Lima At Senator Antonio Trillanes – Idinadawit Sa Riot Sa New Bilibid Prison Noong Setyembre 2016
Facebook Comments