Inaasahan sa kauna-unahang pagkakataon na halos isang taon ay pinayagan ng Korte na makalabas si Senador Leila de Lima sa kanyang detention cell para dumalo sa 3 kaso na may kinalaman sa kasong iligal na droga sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256.
Inaasahan dadalo si Senator de Lima na nakasuot ng facemask, face shield, at personal protective equipment sa gagawing pagdinig mamaya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, pinapayagang dumalo si Senador de Lima ngayong taon dahil sa health procedures na ipinatutupad ng Supreme Court kasunod ng COVID-19 pandemic.
Matatandaan sa kautusan ng Muntinlupa Regional Trial Court, pinayagan ang Senador na dumalo noong Febuary 5 in-person hearings kung saan ang government prosecutors ay umapela sa naturang ruling, pero ibinasura ng korte dahil umano sa kawalan ng merito.
Sa naging pahayag ng legal counsel ni de Lima na si Atty. Rolly Peoro, sinabi nito na natutuwa ang kanilang kampo sa ginawang cross examination ng high profile inmate na si Noel Martinez, dahil sa pag-aamin umano ni Martinez kung saan sinabi nito na wala siyang personal knowledge sa mga drug transactions at wala rin daw silang personal involvement sa kahit anong drug transaction.
Nilinaw umano ni Martinez na kahit kaninong akusado mula kina Senator De Lima, General Bucayu, Joenel Sanchez, at Ronnie Dayan ay wala umano siyang mga personal na transaction, lalo na umano sa iligal droga.