Senator Leila de Lima, muling iginiit ang kahalagahan ng pagpapasa ng Comprehensive Prison Reform law

Patuloy na isinusulong ni Senador Leila de Lima ang pagpapasa ng Comprehensive Prison Reform law.

Sa gitna ito ng mga napaulat na kaso ng Tuberculosis o TB sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) at iba pang mga kulungan.

Ayon kay de Lima, dapat nang magkaroon ng malawakang reporma sa sistema na tutugon sa mga matagal nang problema sa BuCor at iba pang correctional facilities sa bansa.


Inihalimbawa ng senadora ang problema sa siksikan na mga kulungan na nagdudulot ng hawahan ng mga sakit at nauuwi pa sa pagkasawi ng ilang mga PDL.

Sabi pa ni de Lima, ang right to health ay karapatan ng bawat tao kabilang na ang mga bilanggo kung kaya’t tungkulin ng estado na tratuhin nang maayos ang mga ito habang sila ay nagbabagong buhay.

Una nang sinabi ni Dr. Henry Fabro ng BuCor Health Services na 200 mula sa 208,000 na nasa loob ng mga kulungan ang mayroong TB at kasalukuyang naka-isolate habang nagpapatuloy ang kanilang gamutan.

Facebook Comments