Senator Leila De Lima, tumangging magpasok ng plea sa Quezon City Court

Manila, Philippines – Tumangging magpasok ng plea si Senator Leila De Lima matapos itong basahan ng sakdal sa Quezon City Metropolitan Trial Court branch 34.

 

May kinalaman ang kaso ng senadora sa disobedience to summons na inihain ng mga opisyal ng kamara sa Department of Justice (DOJ).

 

Matatandaang bukod sa hindi pagdalo sa hearing ng house committee on justice ay pinayuhan din ni De Lima ang dati niyang driver/lover na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa inquiry.

 

At dahil sa hindi nagpasok si De Lima ng tugon, otomatikong ang korte na ang nagtala ng “not guilty plea” para sa kanya.

 

Ito ang unang public appearance ni De Lima mula nang maaresto siya noong Pebrero 28, 2017.

 

Samantala, sinabi naman ni Fhillip Sawali, chief of staff ni De Lima na patuloy silang nangangamba para sa seguridad ng senadora.

Facebook Comments