Senator Manny Pacquiao, hinamon ni DOE Secretary Cusi na patunayan ang kanyang mga alegasyon tungkol sa korapsyon sa ilang mga ahensiya ng gobyerno

Hinamon ni Department of Energy Secretary Alfonsi Cusi si Senator Manny Pacquiao na patunayan sa publiko ang kanyang mga alegasyon tungkol sa korapsyon dahil seryoso umano ang naturang usapin na nangangailangan ng matibay at kumbinsidong mga ebidensiya.

Sa kanyang ipinalabas na statement sinabi ni Secretary Cusi na gaya ng mga whistle blowers, siya ay accountable sa kanyang mga pahayag at dapat ay responsable na hindi mag-isyu ng nakasisira na pahayag at basta na lamang iwanan nang walang sapat na matibay na mga ebidensiya.

Paliwanag ng kalihim walang nangyayaring kurapsyon sa establisento tanggapan ng IMO dahil ang market operator Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) ay tumatalima umano sa ipinatutupad na EPIRA Law.


Giit ni Cusi ang mga alegasyon ni Sen. Pacquiao na kinasasangkutan ng bilyon bilyong piso ay upang mapag-uusapan lamang siya kahit na siya ay nasa ibang bansa na ginagawa ang kanyang trabaho at binabayaran ng milyong dolyar sa pakikipag-boxing.

Facebook Comments