Senator Manny Pacquiao, nangakong hindi magiging trapo sakaling palarin na manalo bilang pangulo

Ipinangako ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na hindi siya magiging traditional politician o ‘trapo’ sakaling mabigyan ng pagkakataon na mamuno sa bansa.

Sa kaniyang proclamation rally kahapon na ginanap sa General Santos City, sinabi ni Pacquiao na humaharap siya bilang isang lider at muli niyang tiniyak na tutugunan ang problema lalo na ng mga mahihirap na Pilipino.

Binanggit din ni Pacquiao dito ang kaniyang mga prayoridad kapag nanalo kabilang na ang pabahay, edukasyon, ayuda at kabuhayan.


Facebook Comments