Unity, ipinangako ni dating senador Bongbong Marcos sa kaniyang proclamation rally kahapon

Pagkakaisa ang ipinangako ni presidential candidate Bongbong Marcos Jr., sa kanilang proclamation rally kahapon na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ayon kay Marcos, naniniwala siyang ang pagkakaisa ang magbabangon sa Pilipinas mula sa kinakaharap na COVID-19 pandemic at ang epekto nito sa ekonomiya.

Sinabi pa ni Marcos na ang unity rin ang dahilan kung bakit niya nais tumakbo sa pinakamataas na posiyon.


Inihalimbawa ni Marcos ang kanilang tambalan ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na simbolo aumano ng pagkakaisa bilang isang nagmula sa norte at isang taga-Mindanao.

Facebook Comments