Senator Manny Pacquiao, pormal ng tinaggap ang nominasyon bilang standard bearer ng PDP Laban na pinamumunuan niya at ni Sen. Koko Pimentel

Pormal ng tinanggap ni Sen. Manny Pacquiao ang nominasyon sa kaniya ng mga kapartido bilang standard bearer ng PDP LABAN na pinamumunuan niya at ni Sen. Koko Pimentel.

Ito’y para sa nalalapit na 2022 National Elections kung saan tatakbo si Sen. Pacquiao bilang Pangulo ng bansa.

Inihayag ito ni Sen. Pacquiao sa ginanap na 11th National Assembly ng PDP LABAN.


Halos lahat ng miyembro ng partido nina Sen. Pimentel mula sa iba’t-ibang rehiyon ay ini-nominate si Pacquiao kung saan siya na rin ang binigyan ng kapangyarihan para mamimil ng running mate niya o ng kaniyang vice president.

Ayon kay Sen. Pacquiao, nagpapasalamat siya sa nominasyon at muling iginiit na naniniwala siya na nakasalalay ang lakas ng kanilang partido sa tiwalang ibibigay ng publiko.

Aniya, ilang buwan din siyang nanahimik sa kabila ng pagsubok at isyu sa kanilang partido kung saan pilit siyang pinapabagsak para pansariling interes ng ibang pulitiko.

Pero iginiit ni Sen. Pacquiao na marami na siyang hirap at sakripisyong pinagdaanan kaya’t naniniwala siya na malalagpasan niya ito.

Tila binalaan naman ni Sen. Pacquiao ang mga kasalukuyang nakaupo sa gobyerno na nasasangkot sa katiwalian na gagawin niya ang lahat para managot sila sa batas.

Facebook Comments