iFM Laoag – Binisita ni Senator Imee Marcos ang mga mamamayan sa lalawigan nang Cagayan ngayong umaga.
Maalalang marami ang naging pinsala ang naidulot sa nasabing lalawigan buhat narin ng malakas na ulan sa lalawigan noong nakaraang lingo.
Umaabot sa P1.13 billion pesos ang halaga ng mga pinsala na may apat na namatay. P1 bilyong piso naman na halaga ng pinsala sa imprastruktura na kinabibilangan ng pagkasira ng mga kalsada, dike at tulay.
P128 milyong piso naman na pinsala sa agrikultura partikular sa palay, mataas na halaga ng komersyal na pananim, at pangisdaan. Ang tinatayang P2 milyong halaga ng hayop ay nasira din.
Namigay nang relief goods at Noche Buena package ang senadora sa mga nasalanta na mga mamayan sa nasabing lugar.
Ayun kay Marcos, kailangan magtulongan ang mga mamamayan lalonglalona ang mga Ilocano sa ganitong sakuna. Gawain naraw kasi din umano ito nang kanyang namayapang ama na si dating pangulong Marcos. (Bernard Ver, RMN News)