Senator Marcos, dismayado sa atrasadong paghingi ng Indemnification Law para sa pagbili ng bakuna

Dismayado si Senator Imee Marcos na ngayon lang binabanggit nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III ng Indemnification Law na kailangan para makabili ng COVID-19 vaccine.

Ito ay batas na magtatakda ng pagbibigay ng kumpensasyon sa makakaranas ng malubhang side effects ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Marcos, sa pagdinig ng Senado ay unang pagkakataon nilang narinig na kaya wala pa tayong pirmadong kontrata para sa COVID 19 vaccine ay dahil wala tayong klarong Indemnification Law.


Punto ni Marcos, sana ay sinabi agad ito noon ng Malacañang para agad naihain ang panukala nito at naipamadali ang pagpasa.

Dagdag pa ni Marcos, maaaring gamitin dito ang contingency fund na nasa ilalim ng 2021 national budget.

Binanggit naman ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na wala pa ring official communication ang Malacañang para gumawa sila ng Indemnification Law.

Facebook Comments