Senator Pacquiao, handang makipag-areglo sa kaugnay sa kanyang tax evasion case

Manila, Philippines – Bukas si Senator Manny Pacquiao na makipag-areglo sa Bureau of Internal Revenue o BIR kaugnay sa asunto na hindi umano siya nagbayad ng tamang buwis mula sa kanyang mga kinita sa boxing.

Giit ni Pacquiao, walang basehan ang 2.2 billion pesos na tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR kaya gusto na niya itong matapos.

Idinagdag pa ni Pacquiao na bilang isang senador ay ayaw niya na manatili ang kanyang kaso kontra sa pamahalaan.


Ipinaliwanag ni Pacquiao na napilitan lang siyang maghain ng kaso para idepensa ang kanyang sarili laban sa hakbang ng BIR na sa tingin niya ay labag sa kanyang mga karapatan na nakasaad sa ating konstitusyon.

Magugunitang ilang beses na ikinatwiran ni Pacquiao na wala siyang utang na buwis dito sa Pilipinas dahil nagbayad na siya ng buwis sa Amerika kung saan ginanap ang kanyang laban.

Binanggit pa ni Pacquiao na malaki ang respeto niya kay BIR Commissioner Cesar Dulay.

Gayunpaman, hinihiling niya na ang pagtalakay ng kanyang mga abogado at abogado ng BIR ay dapat nakabase sa mga ebidensyang nakalatag at hindi sa mga perceptions lamang.
Nation

Facebook Comments