Senator Pacquiao, handang tumakbong independent sa 2022 elections

Sakaling hindi kilalanin ng Commission on Election (COMELEC) ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Pacquiao-Pimentel faction ay handa si Senator Manny Pacquiao na kumandidatong independent sa 2022 elections.

Ayon kay Ron Munsayac na Executive Director ng partido, wala sa plano ni Pacquiao ang sumapi sa ibang partido.

Ipinaliwanag din ni Munasayac na kinailangan nilang ihalal si Senator Koko Pimentel bilang chairman ng partido kapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagkakagulo ang partido at baka sa pansitan sila pulutin bukod sa ininsulto ni Pangulong Duterte ang kanilang party President na si Pacquiao.


Facebook Comments