Senator Pacquiao, idinepensa ang pakikipag-chat niya sa 2 American bloggers

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senator Manny Pacquiao ang ginawa niyang magkahiwalay na insidente ng pakikipag-chat sa pamamagitan ng Instagram sa American bloggers na sina Arzaylea Rodriguez at Ria Chiuffo.

Giit ni Senator Pacquiao, walang malisya ang kanyang mga mensahe at bahala na ang Diyos sa mga nag-iisip ng masama laban sa kanyang mga aksyon.

Paliwanag ni Pacquiao, nang makita nina Rodirguez At Chiuffo na nasa internet ay nag-hello ang mga ito sa kanya at nais siyang ma-interview sa radio station.


Ayon kay Pacquiao, dahil nandito siya sa Pilipinas ay sinabi niyang tawagan na lang siya kahit anong oras para sa nabanggit na interview.

Facebook Comments