Senator Pacquiao, mananatiling people’s champ

117

Ipinagmalaki ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na mananatiling People’s Champion si Senator Manny Pacquiao at walang makakabawi sa championship belts nito.

Diin pa ni Lacson, hindi na mabubura pa ang 12 major world titles ni Pacquiao sa walong magkakaibang weight divisions.


Sa kanyang Twitter post ay iginiit ni Lacson, na hanggang ngayon ay walang sinuman sa larangan ng boksing ang nakakapantay sa naging tagumpay ni Pacquiao.

Ginawa ni Lacson ang pahayag makaraang lumabas ang report na idineklara umano ng World Boxing Association (WBA) bilang Champion in Recess si Pacquiao.

Ayon sa report, inalis na rin ng umano ng WBA ang Super Champion belt ni Pacquiao dahil hindi na aktibo sya sa boxing.

Facebook Comments